O
P
M
S
O
N
G
S
*
F
O
R
E
I
G
N
S
O
N
G
S
*
H
O
L
I
D
A
Y
S
O
N
G
S


S
G
N
O
S
Y
A
D
I
L
O
H
*
S
G
N
O
S
N
G
I
E
R
O
F
*
S
G
N
O
S
M
P
O


Tag Ulan

Friday, November 25, 2005

After Image


Minsan ika'y nag-iisa walang makasama
'Di malaman sa'n tutungo
Naghahanap nag-iisip kung saan babaling
Dito sa mundong mapaglaro


At tuwing ika'y nalulumbay di makakita
Nais mo ay may makasama
Sa 'yong lungkot akala mo ika'y nag-iisa
Narito ako't kapiling ka


Kung nais mo ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita


Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa kaibigan
Mmmm


Kay rami ng mga tanong sa 'yong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkagano'n ang nangyari sa 'yong buhay
Tanong mo man sa 'ki'y 'di ko alam


Handa akong maging tanggulan
Sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan oh


Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa


Ako'y naririto naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo
Kaibigan, kaibigan, kaibigan


Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa kaibigan
Kaibigan, kaibigan, kaibigan