O
P
M
S
O
N
G
S
*
F
O
R
E
I
G
N
S
O
N
G
S
*
H
O
L
I
D
A
Y
S
O
N
G
S


S
G
N
O
S
Y
A
D
I
L
O
H
*
S
G
N
O
S
N
G
I
E
R
O
F
*
S
G
N
O
S
M
P
O


Paano Ang Pasko

Tuesday, December 27, 2005

Vina Morales


Paano ang pasko ng batang lansangan
Munting mga regalo ang inaasam
Sumisilip sa bintana ng tindahan
Sa araw na ito


Paano ang pasko ng pusong nabigo
Wasak na mga pangako pag-ibig ay naglaho
Luha'y kumikislap sa ilaw ng parol
Sa araw na ito


Ngunit isang bituing umiilaw sa langit
Kaarawan ng Sanggol kung tawagin ay Hari
Sigaw ng isang milyong tinig
Maririnig sa buong daigdig
Pag-asa pagmamahal dala ng pagsilang
Tanong ng puso ko paano ang pasko
Na kay lungkot ng pagdating
Ang minsan sa isang taon ay ganito pa rin


Paano ang pasko pamilya'y di buo
Saan nga ba nagtungo
Sa Diyos nagtatampo
Inaasam na mahagkan at muling makapiling
Ang tanging hiling


Ngunit isang bituing umiilaw sa langit
Kaarawan ng Sanggol kung tawagin ay Hari
Sigaw ng isang milyong tinig
Maririnig sa buong daigdig
Pag-asa pagmamahal dala ng pagsilang
Tanong ng puso ko paano ang pasko
Na kay lungkot ng pagdating
Ang minsan sa isang taon ay ganito pa rin


Ngunit isang bituing umiilaw sa langit
Kaarawan ng Sanggol kung tawagin ay Hari
Sigaw ng isang milyong tinig
Maririnig sa buong daigdig
Pag-asa pagmamahal dala ng pagsilang
Tanong ng puso ko paano ang pasko
Paano ang pasko, paano ang pasko
Paano ang pasko, paano ang pasko
Na kay lungkot ng pagdating
Ang minsan sa isang taon ay ganito pa rin