O
P
M
S
O
N
G
S
*
F
O
R
E
I
G
N
S
O
N
G
S
*
H
O
L
I
D
A
Y
S
O
N
G
S


S
G
N
O
S
Y
A
D
I
L
O
H
*
S
G
N
O
S
N
G
I
E
R
O
F
*
S
G
N
O
S
M
P
O


Paskong Pasko

Thursday, December 15, 2005

The Company


Kay hirap-hirap na dumilat kung nag-aantok ka
Di ba gising ka na eh bakit kaya nananaginip ka pa
Simbang gabi kay tagal-tagal na hinihintay-hintay ko
Aba naku naman paano ba ito mahuhuli pa tayo
Pasko na, pasko na, paskong-pasko na
Sakay ng kalesa
Magkahawak kamay na magsisimba
Pasko na, pasko na, paskong-pasko na
Simula ng saya
Ang pasko sa ati'y panahon ng pagmamahalan di ba


Aking pasko'y walang kasing ligaya kapag kasama kita
Tila nga ako ang reyna't ako ang hari sa ating kalesa
Simbang gabi ng sabihin ko sa'yong minamahal kita
Sinagot mo ako noo'y simbang gabi rin naaalala mo ba


Kay init ng tsokolate, bibingka at suman
Ang init ng pag-ibig natin ay ganyan
Singtamis ng ube't leche flan ang iyong pagmamahal
Huwag ka sanang makikita ng langgam (ng langgam)


Kay raming kalesa kung mayroong simbang gabi
Madalas na sakay ay dalawang pusong magkatabi
Ang padyak ng kabayong kay bilis tila tibok ng puso ko
Dinggin ang pusong tila kampana rin kung pasko
Dinggin ang pusong tila kampana rin kung pasko


Kay hirap-hirap na dumilat kung nag-aantok ka
Di ba gising ka na eh bakit kaya nananaginip ka pa
Simbang gabi kay tagal-tagal na hinihintay-hintay ko
Aba naku naman paano ba ito mahuhuli pa tayo


nahuhuli na tayo, huling-huli tayo
huling-huli tayo... ng tatay mo
huling-huli tayo... magtatanan tayo
nahuli tayo, paskong-pasko
huling-huli tayo... ng tatay mo
paskong-pasko