O
P
M
S
O
N
G
S
*
F
O
R
E
I
G
N
S
O
N
G
S
*
H
O
L
I
D
A
Y
S
O
N
G
S


S
G
N
O
S
Y
A
D
I
L
O
H
*
S
G
N
O
S
N
G
I
E
R
O
F
*
S
G
N
O
S
M
P
O


Namamasko Po

Friday, December 16, 2005

Parokya Ni Edgar


Pagpasensiyahan nyo na kung kami'y nanggugulo
Ganyan lang talaga tuwing kami'y namamasko
Walang pakialam kung san mapadaan
Basta't mayrong mga mapagkakakitaan
May bitbit na gitara para sa'ming pagkanta
Mayrong dalang tubo baka may manghabol na aso
Tanggap naman namin na kami ay sintunado
Pero naman lolo please lang wag kang mambabato


Paminsan-minsan lang naman ang trip na'to
Paminsan-minsan lang naman din ang pasko
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya


Hapon pa lang nagkakaroling na kami
Tinatanggap namin maging dyis man o bente
Di na kailangan pang mahusay ang pagkakanta
Basta't sabay-sabay kami at sama-sama
Magkano na kaya ang aming naipon
Ayos lang kahit magkano basta't may pang-inom
Ilang bahay na lang mayron nang pampulutan
Tapos sa bahay ko kami mag-iinuman


Paminsan-minsan lang naman ang trip na'to
Paminsan-minsan lang naman din ang pasko
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya


Di na yata magsasawa saming pagsasama-sama
At sa aming pagkanta
Asahan na maraming kita
At kami ay sigurado na panandalian lamang 'to
Alam naman namin na di nga araw-araw ang pasko