O
P
M
S
O
N
G
S
*
F
O
R
E
I
G
N
S
O
N
G
S
*
H
O
L
I
D
A
Y
S
O
N
G
S


S
G
N
O
S
Y
A
D
I
L
O
H
*
S
G
N
O
S
N
G
I
E
R
O
F
*
S
G
N
O
S
M
P
O


Pamasko

Sunday, December 18, 2005

True Faith


Tuwing pasko ikaw ang nasa isip ko
Habang bayan ay tahimik
Ikaw ang aking panaginip
Taon-taon na lang pangarap ka
Tanging hiling ko ay ang makapiling ka muli
Kahit man lang na sandali


Giniginaw dahil malamig ang kama ko
Magdamag ay hinahanap
Ang init ng iyong yakap
Ito lang ang nais na matamo
Ito lang ang nais na pamasko
Pag-ibig mo giliw ko


Tuwing pasko lahat ng tao ay masaya
Mga bata sa lansangan
Masiglang nagkakantahan
Iisa lang ang aking awit
Himig ng pagnanasa at walang hintong paghihintay
Kahit na habang buhay


Ngayong gabi bago ako'y magpahinga
Ang aking panalangin
Sana ikaw ay makapiling
Walang ibang nais na regalo
Ito lang ang aking tanging gusto
Pag-ibig mo ang pamasko